Target ng Pilipinas na makakuha ng medalya sa women’s relays kaya isasabak sina Richardson twins Kayla at Kyla sa 4×100 at 4×400 sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur Sports City.
Sinabi ni reigning Southeast Asian Games sprint queen Kayla na hindi nito dedepensahan ang korona sa women’s 100 dahil nakatutok siya sa 200 at sa relays.
Pasisisibatin ang 4×100 sa Agosto 25, kinabukasan ang 4×400.
Parehong hindi nakakuha ng medalya ang Pilipinas sa nasabing races noong 2015 Singapore Games.
Ayon sa ama ng kambal na si Jeffrey Richardson, napagdesisyunan ng coaching staff na ilalagay si Kat Santos bilang starting runner, sunod sina Kayla at Kyla. Pagpipilian sina Eloisa Luzon o Filipino-American Zion Rose Nelson sa anchor.
“Kat Santos ran a strong first leg in Singapore two years ago while it will be Kayla then Kyla. I am not sure about the anchor runner,” ani Richardson. “We want to give our team a strong headstart.”
Totodo si Kayla sa 4×100-meter relay.
“I am not so sure about our chances in the 4×400 relays, but we will give it our best shot,” ani Kayla.