MAGSASAGAWA muli ng libreng workshop ang premyadong manunulat na si Ricky Lee para sa mga nais matutong magsulat para sa pelikula at sa mga gusto pang mahasa ang kanilang talento sa pagsusulat.

Ang workshop ay gaganapin tuwing Linggo simula Nobyembre ngayong taon.

Open ang aplikasyon para sa workshop sa lahat ng Pilipino, kabilang na ang mga wala pang karanasan sa pagsusulat. Nakatakda ang proseso ng pagpili sa Setyembre 4 sa bagong UPFI Film Studio sa UP Diliman.

Inaanyayahan ang lahat ng interesadong su­mali na punan ang Google form para sa pre-regis­tration na matatagpuan sa Facebook page na Ricky Lee (Official) @TripToQuiapo o Ricky Lee’s BATCH 14 – Katorse Writers Group @katorseshorts.

Para sa mga katanungan, maaring magpadala ng mensahe sa mga naturang FB pages o mag-email sa rickyleebatch15@gmail.com.