Ricky, wagi sa bayas-bayas

Ricky Davao

KAHIT puno na ang kanyang trophy cabinet sa dami ng napanalunan niyang awards through the years, iba pa rin ang pa­kiramdam ni Ricky Davao ‘pag nananalo siya ng acting award.

Katwiran niya, artista siya and he takes his craft seriously, kaya mahalaga sa kanya ang mga parangal na natatanggap niya.

Laking-tuwa niya nang maging Best Supporting Actor sa 3rd ASEAN International Film Festival and Awards kamakailan sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Proud ang actor-director dahil 10 ASEAN countries ang kasali sa AIFFA.

Nanalo siya para sa indie film na Dayang Asu (Dog Nation) at tinalo niya sa nasabing kategorya sina Bembol Roco (Pauwi Na) at Bernardo Bernardo (Imbisibol), tapos ay isang aktor mula sa Malaysia at isa pa mula sa Indonesia.

Hindi nakapunta si Kuya Ricky dahil bukod sa doon na sa filmfest in-announce ang mga nominado, baka hindi rin siya makaalis dahil sa dinidirek niyang Kapuso afternoon soap na Legally Blind.

Si Liza Diño na Chairperson ng FDCP ang tumanggap ng kanyang tropeo.

2015 pa nang ipalabas sa Cinema One Originals filmfest ang Dayang Asu.

Hindi akalain ni Kuya Ricky na puwede siyang manalo rito dahil simple at natural lang ang akting niya bilang henchman ng isang mayor na gumagawa ng dirty jobs.

May eksena ritong ni-rape niya ang character actress na si Elora Espano. Tinira niya ito sa puwet, pero ayaw tumelag ng nota niya, so binayas-bayas niya pa ito.

Kantiyaw namin kay Kuya Ricky, malamang ‘yun ang dahilan kaya siya nanalo ng award sa Malaysia.

Bale third international recognition na niya ito. Una ay Best Actor for Saranggola (1999) sa CineManila Int’l Filmfest at ikalawa ay Best Supporting Actor for Signos (2007) sa International Filmmakers Filmfest sa UK.