Rico Blanco galit sa mundo

Ayon sa Gabinete Files ng PEP.ph, harmless ang kanilang inilathala tungkol kay musician at vocalist na si Rico Blanco.

Nagpuyos kasi sa galit si Rico via Twitter sa headline ng PEP kamakailan na “Rico Blanco, ayaw ma-label bilang Keanu Reeves ng Pilipinas.”

“This stupid headline will get me into trouble guys. my point was lets stop m­aking filipinos local versions of global icons,” ani Rico.

Dinepensahan ni Gabinete ang nasabing artikulo. Hindi naman umano pag-uusapan ang bokalista kung hindi ito nag-ingay. Nagtataka pa umano sila kung bakit tila galit siya sa mundo.

Nag-aksaya rin umano ng panahon ang singer upang mag-post sa Twitter ng la-rawan ng PEP editor-in-chief dahil sa galit nito sa kanila.

“Siya pa may lakas-loob tawaging ‘garbage’ ang PEP.ph, e siya itong nagmumura,” opinyon pa ng columnist ng showbiz website.

Katunayan umano ay nakaka-ilang write ups na sila tungkol sa pagbabalik nito sa lime light. Inakusahan pa si Rico na siya ang namersonal.

Ang babaw umano ng pagtingin ng singer sa mga manunulat, at tila hindi nakakaunawa sa kalakaran sa showbiz industry. (JL)