Rider, pedestrian patay sa aksidente sa Batangas

dead-body

Kapwa patay sa aksidente ang rider at pedes­trian, na naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa ­bayan ng Calaca, Batangas.

Sa imbestigasyon ng Calaca Municipal Police Station (CMPS), patawid ng kalsada sa ­National Road Barangay Sinisian si Pedro Maullon y ­Dimailig, 73, residente ng Brgy. Caluangan, Calaca nang salpukin ng kulay itim na Motorstar Miysukoshi MC, na may plakang LB 8850, na minamaneho ng suspek na si Angelito Pangan y Galang, 50, ng Brgy. Calawang, Lemery, Batangas.

Parehong tumilapon sa sementadong kalsada ang biktima at suspek, kung saan nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang una, habang sa katawan naman napuruhan ang huli, mabilis na isinugod sa Ospital ng Calaca ang dalawa, ngunit deklarado na silang dead on arrival.

“Case closed” ng CMPS ang naturang kaso dahil parehong nasawi ang dalawa.