Nasawi ang 29-anyos na mekaniko sa isang logistic company nang nabangga ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang driver ng Nissan Sedan sa Dasmariñas City, Cavite.
Isinugod pa sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si Arvin dela Rosa, at residente ng Brgy. Bayudbud, Tuy Batangas pero namatay din ito habang ginagamot.
Hawak na ng pulisya ang driver ng kotse na si Renato Agor, 45, residente ng Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:05 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa harapan ng Waltermart Dasmariñas ng naturang kungsod kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang nasabing lugar patungo sa direksiyon ng Pala-pala nang mabangga ang kanyang motorsiklo ng minamanehong sasakyan ni Agor na lumabas galing sa exit gate ng mall at bigla itong kumaliwa sa direksiyong ng Pala-pala. (Gene Adsuara)