Patay ang isang motorcycle rider matapos makasalpukan ng sinasakyan nitong motorsiklo ang isang truck sa Maharlika Highway, Barangay Lalig, Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Joselito Perea Napoles, 27 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Tiaong police, bandang alas-9:45 ng gabi nang makabanggaan ng motorsiklo ang truck na minamaneho ni Alfredo Paula Flores.

Sa lakas ng pagkakabundol ay nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan si Napoles na agad nitong ikinasawi.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck at ngayon ay sasampahan na ng kaso.