Tigok ang isang 35-anyos na rider matapos na matumbok sa likuran ang motorsiklong minamaneho ng isang 10-wheeler truck kamakalawa ng hapon sa Andres Bonifacio Drive sa harap ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Port Area, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Kristopher Ballesteros, Impex Operation Assistant ng Soonest Global Express Corporation ng Unang Hakbang St., Galas, Quezon City.
Sinampahan naman ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang driver na si Thony Gregorio Y Malanum, 37, ng 205 Bgy. Calit, Binmaley, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon lulan ng Yamaha Vega Force 1 (NC-63948) ang biktima habang lulan naman ng 10-wheeler truck si Gregorio at magkasabay na bumabagtas sa Service Road, pagsapit sa Gate 6 ay nabundol ng truck ang motorsiklo ng biktima kaya nawalan ng kontrol ang motorsiklo at at bumagsak sa semento. (Juliet de Loza-Cudia)