Nasawi ang isang ride­r matapos na masaga­saan ng isang truck nang sumemplang ang minama­nehong motorsiklo, kaha­pon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Paulo Villotes, matapos mahagip at pumailalim sa trak na may plate number RHD-708 na pagmamay-ari umano ng Sandegal Custom Brokerage.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Vehicular Traffic­ Investigation Section (VTIS), nabatid na dakong alas-dos ng madaling­-araw nang maganap ang aksidente sa Capulong Street, sakop ng Barangay 93, Zone 8, sa Tondo.

Sinabi ng saksing si Matthew Cordero, pedicab driver, natutulog siya sa loob ng kanyang pedicab nang bigla na lamang siyang magising nang makarinig ng malakas na kalabog.

Paglabas umano niya ng pedicab ay nakita na lamang niyang duguan na ang biktima sa ilalim ng trak.

Mabilis namang tuma­kas ang hindi pa nakikila­lang driver ng trak.

Samantala, malubha naman ang kalagayan ng isa pang motorcycle ­rider matapos sumemplang­ ang minamanehong motor­­siklo sa Ramon Magsaysay Boulevard, kanto ng Dela Fuente Street, bago umakyat sa Magsaysay Bridge sa Sampaloc.

Mabilis umano ang ­patakbo ng biktimang naki­lalang si Alexander Luya, 22, sa sinasakyang motorsiklo kaya’t hindi niya ito nakontrol at bigla na lang sumalpok sa center island.

Nagtamo ng mala­king sugat sa ulo ang biktima matapos siyang tumila­pon mula sa kanyang ­motorsiklo.

Nabatid na amoy ala­k si Luya at posibleng ­kalasingan ang dahilan kung bakit ito naaksidente,­ pero kinukumpirma pa ito ng mga awtoridad.