Dalawang nakamotorsiklo ang nasawi makaraang sumalpok sa 10-wheeler truck sa may Valdefuente Bridge, Brgy. Valdefuente, Cabanatuan City kamakailan.
Nakilala ang mga nasawi na sina Bernie Alcantara Javate Jr., 23, at Aljon Manuson del Rosario, 25, kapwa taga-Purok Diego Silang, Brgy. Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija.
Nabatid na dakong alas-11:45 ng gabi patungong norte ang mga biktima at natagis ang oobertekan sanang motorsiklo na pagmamay-ari at minamaneho ni Aiza Florendo Avenido, 27, residente ng Purok 2, Brgy. Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.
Sa pag-iwas ay dumiretso ang mga biktima sa kaliwang bahagi ng highway at hindi naiwasan ang paparating na 10-wheeler truck na may plate number RGG-539 na minamaneho ni Ferdinand Aquino QuiƱones, 43, residente ng Brgy. Mabini, Santa Rosa, Nueva Ecija.