Nasawi ang ‘riding in tandem’ matapos na lumaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 9 (MPD-hs 9) sa inilatag na checkpoint sa ilalim ng ‘Oplan Sita’, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.
Inilarawan ni SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng (MPD-hs 9) ang mga biktima na nasa edad 30-40, parehong 5’7 ang taas, katamtaman ang pangangatawan.
Naganap umano ang insidente dakong alas- 3:15 ng madaling-araw sa harap ng M-Bay Healthy SPA, na matatagpuan sa President Quirino Avenue malapit sa Maginhawa St., Malate, Maynila.
Bago sitahin sa checkpoint ang dalawang suspek, nakatanggap umano ng tawag ang awtoridad sa 911 mula sa isang Ms. De La Cruz kaugnay sa lalaking riding in tandem na bumubuntot sa kanyang minamanehong Toyota Grandia.
Ipinasa naman kina PSInsp. Noel Laranang, adriatico Deputy PCP Commander ang sumbong na noon ay nagmamando ng checkpoint sa lugar at pinara ang paparating na mga suspek.
Ngunit bumunot ng baril ang nakaangkas at itinutok sa mga pulis pero pinaputukan ito ni PO2 Dean Mark Regala kaya nalaglag sa kalsada.
Agad namang dinukot ng kasama ang Granada at aktong tatanggalin ang ‘pin’ nang paputukan ng mga pulis na naging sanhi ng kanyang kamatayan.