Isang tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem, pero ang talagang puntirya pala ay ang isa sa mga pasahero nito na nasa kritikal naman na kondisyon matapos dumalo sa hearing sa kasong droga, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Marvin Columbino, 27, ng 18-C Figueroa St., Brgy. 73, Zone 10 ng naturang lungsod dahil sa limang tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.
Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang pasaherong si Brent Michael Bravo.
Ayon kay SPO1 Joel Landicho, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:05 kahapon ng umaga, malapit sa Pasay City Hall.
Kagagaling lamang umano ni Bravo sa hearing sa kasong droga kasama ang live-in partner at lola nito nang sumakay ang mga ito sa tricycle na pinapasada ni Columbino para umuwi.
Bigla namang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril si Bravo, subalit ang tinamaan ay si Columbino.
Muling pinaputukan ng mga suspek si Bravo hanggang sa masapul bago tuluyang nagsitakas.
Collateral damage na naman. Sana naman ang patayin nila ay yung mga big time na pinagkukunan ng illegal na droga dahil yung mga users ay biktima lang. Kung baga ay mga bunga lang ng isang puno. Di ba dapat ay ang mga ugat ng puno ang patayin para hindi na mamunga?
Yep.