Isang 21-anyos na binata ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang naglalakad sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila kahapon nang madaling-araw.
Kinilala ni SPO2 Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si John Ben Tenafrancia, nakatira sa Serrano St., Gagalangin, Tondo.
Nangyari ang pamamaril dakong ala-1:49 ng madaling-araw, nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima na naglalakad ng mga sandaling iyon.
Dinikitan pa umano ng mga suspek ang biktima saka ito malapitang binaril sa ulo at umeskapo sa direksyon ng Juan Luna Street. (Juliet de Loza-Cudia)