Patay ang isang pulis makaraang pagbaba­rilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Arnel Agadia, nakatalaga sa Laguna Police Provincial Office.

Batay sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Police, alas-7:10 ng gabi, sakay ang biktima ng kanyang tricycle at binabagtas ang provincial road nang sundan ito ng mga suspek at nang maabutan ay pinagbabaril na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman na ang biktima ay nasa AWOL (absent without official leave) status makaraang mapatunayang sangkot sa drug activities at nagpositibo sa drug test.