Rio silver medalist may hero’s welcome sa Zambo

Hidilyn Diaz

Pinaghahandaan na ng Zamboanga City ang isang hero’s welcome para kay Rio Olympics weightlifter at silver me­dalist Hidilyn Diaz sa pagbabalik nito sa kanilang bayan mula Brazil.

Sinabi kahapon ni Mayor Beng Climaco na kanilang bibigyan ng pagpupugay at pagkilala si Diaz na tubong Zamboanga.

“The local government is preparing a hero’s welcome for Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz next Monday who will be returning home on August 14, Sunday. The welcome ceremonies will honor the feat of Diaz, who broke records with her podium-finish at the 53 kg weightlifting competition,” pahayag pa ni Climaco.

Hindi naman sinabi nito kung bibigyan rin ba ng reward o cash incentives si Diaz.

Inaasahan naman na makakatanggap si Diaz ng P5 million cash incentives mula sa pamahalaang Duterte batay na rin sa Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III noon nakaraang taon lamang.