Ngayong nagsalita na si megastar Sharon Cuneta na walang katotohanan ang kumalat sa social media hinggil sa relasyon ng asawa niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kay Sen. Risa Hontiveros, ipinahiwatig naman kahapon ng huli na posibleng hindi na siya magdemanda laban sa nagpasimula ng tsismis.
Hindi kasi maisip ni Hontiveros paano matutukoy kung sino ang gumawa ng pekeng litrato nilang dalawa ni Pangilinan na pinalabas na maghawak sila ng kamay habang naglalakad sa kalsada.
“Paano ko malalaman kung sino ang nagpakalat nu’n,” wika ng senadora.
Ang nasabing litrato ay hango sa kuha noong Mayo 1 habang nagla lakad sina Pangilinan, Hontiveros kasama sina Sens. Franklin Drilon at Antonio Trillanes matapos na bisitahin sa Custodial Center ng Camp Crame si Sen. Leila de Lima.
Naging viral ang litrato na binansagan ng ilang netizens bilang Ri-Ko HHWW o Risa-Kiko holding hands while walking.
Ikinabit din ang viral photo na ito sa biglaang pag-alis ni Sharon patungong Estados Unidos noong Mayo 3.
Ngunit sa komento ni Sharon sa kanyang Facebook account nitong Linggo sa mismong Mother’s Day, itinanggi na “third party” ang dahilan ng bigla niyang pag-alis patungong Amerika.
SINO BA ANG NAGPASIMULA NG MGA FAKE NEWS, GAWA NILA ITO ANG OBVIOUS NAMAN NA FADED ANG DATING NG PHOTO NA HALATANG PHOTOSHOP. DAPAT MAPA IMBESTIGA KAY MOCHA USON ANG BAGAY NA ITO. GINAWA ITO PARA SIRAAN SI KIKO AT HONTIVEROS DAHIL VERY VOCAL SILA LABAN SA ADMIN.