https://www.instagram.com/p/BUyD7wvlzaj/?taken-by=msritaavila
SEKSING-SEKSI pa si sa edad na 52, kaya walang keber siyang mag-post ng bikini pix sa Instagram.
“After this photo shoot, it rained. Di na ako kinaya ng langit,” sey ni Rita.
Keribels niyang kabugin ang alindog ng kapwa ST Queen noon sa Seiko Films na si Gretchen Barretto.
***
May aral na namang matutunan sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Linggo sa GMA.
Halaw sa ‘The Emperor’s New Clothes’ ang istorya kung saan bida si Ken Chan bilang hari na napaka-vain.
***
Lalong mapapasarap ang panonood ng Pinoy basketball fans dahil ipapalabas ng ABS-CBN ang buong NBA Finals ng LIVE sa free TV at SKYcable.
May Tagalog na komentaryo sa ABS-CBN Ch. 2 sa free TV at ABS-CBN HD sa SKYcable Ch.167, sa tulong nina Boom Gonzalez at TJ Manotoc na nasa Amerika para sa Finals.
Ang orihinal na komentaryo sa Ingles ay napapanood sa S+A Ch. 23 sa free TV at sa cable sa S+A SKYcable Ch. 17 at S+A HD SKYcable Ch. 166.
Patuloy na makakapili ang mga manonood kung saan nila panonooring nang live ang mga laro sa pagpapatuloy ng NBA Finals ng ABS-CBN bukas (Lunes) nang 8:00 AM sa ABS-CBN, ABS-CBN HD, S+A, and S+A HD.
***
Bonggacious ang line-up ng bikini hunks na magpapasiklaban sa Beyond Naked Buddies v2 sa Hunyo 10, Sabado, sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City.
Si Mocha Uson ba nagsulat nito? Sabi bikini pix hindi naman bikini suot. Ano yun symbolism na naman.
52 na sya ngaung 2017. So totoo palang dinaya lang age ña nun sa That’s.