STARLET infused o starlet infested?

Iyan ang tanong na walang maisagot ang diva that you love matapos mapanood ang GMA Kapuso stars sa Wowowin.

Well placed ang guesting na ito kaya lang, inihahanda sana nila ang kanilang mga di na ­namang bagitong artista kung ano ang mga dapat gawin at sabihin.

Ang Team A, kasama si Hiro Peralta na tila pan-dad bod na ang pangangatawan. Nasa Unang Hirit pala ang binatang ito.

Kasama rin si Pythos Ramirez na nasa Encantadia. Katangkaran itong si Pythos, times two pa ang biloy at siguro, guapo sa personal.

Kasi, ang mga hitad at higad sa set, kinilig at may slight na sigawan para sa binatang parang Greek guy ang dating.

May kasama silang young lady na sure akong the WHO, kasi, hindi ko matandaan ang kanyang pangalan.

Kawangis niya ang fezlak ni Kyla, the singer na sumakabilang bakod, pero mas matapang at pang-kontrabida ang arrive niya. Ang kina-tumbling ko, kasali pala siya sa Cinemalaya entry na Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa.

Nasa Team B si Jeric Gonzales, na walang kahit na anong TV show sa kasalukuyan. After his star turning role sa Destiny Rose bilang Vince at maging ka-love triangle ni ex-Kapuso kamoteng kahoy na si Aljur Abre­nica at Janine Gutierrez sa isang primetime drama tungkol sa reincarnation at karma, neither here nor there ang karera ni Gonzales.

Nakakalungkot na tila on the brink of being financially challenged ang young actor dahil sa tapat niyang pag-amin na kailangan niya ang cash na ibibigay ni Revillame.

May tanong itong “paano na ‘yung walang trabaho?” nu’ng tila balak ipamigay ni Willie ang cash nila sa audiences.

Ang tudyo ni Revillame sa kanya, “Eh di magtrabaho ka.”

Kung pinakinggan ng powers that be na magka-book two ang Destiny Rose, tiyak mas namamayagpag ang love pairing nila ni Ken Chan.

They share a chemistry and intimacy like no other.

Kasama rin sa James Teng na oo nga’t guapo na pang-Asian novella kind of way, matangkad, siksik ang pangangatawan pero juice colored, sintunado kumanta!

He sang a few lines of Ang Huling El Bimbo na aurally assaulting, huh!

Kasali rin si Rita ­Daniela na sexy nymphet ang packaging. In fairness sa bosom ni Rita, ample na ample ito, hindi retokada! Alog kete alog!

May sariling buhay ang mga susong dalaga niyang screaming for ­attention.

Ang grupo nila Rita, James at Jeric ang nagwagi sa song tanungan segment, lumaban para sa kahong magpapayaman sana sa kanila.

Luhaan ang tatlo. Kasi, they followed Rita na sinunod nila. Sayang ang P130K na pwede nilang i-divide by three at tiyak na major, major push ang datung para ekonomiya ni Jeric.

And what hurt Jeric the most, si Teng at si Daniela, may shows to promote.

Siya na may pan-leading man quality, di pa sure ang mga ganap.

***

Kitang-kita kung gaano kahusay mag-alaga ang mga taga-Kapamilya sa kanilang mga talent.

Ang mga dati nilang Pinoy Big Brother pro­ducts na sina Gerald Anderson at Kim Chiu — bigger and better stars.

Kahit pa marami ang nanalig na DEMOTION ang before It’s Showtime time slot ng Ikaw Lang Iibigin, hindi pwedeng ikaila na “nararamdaman” pa ang dalawa.

Ang patotoo nito, ang panalong tiktak ng mga chika matapos ang kanilang guesting sa Gandang Gabi Vice.

Marami ang naaliw sa tila baks na baks na orientation ni Chiu kay Anderson.

All Mine To Give ito noong sila ay magsing-irog pa. Tila hindi maru­nong mag-compute ang babaita dati dahil mamahalin at yayamanin ang mga regalong hinatag nito sa binatang makisig.

Si Gerald mismo ang nagtapat na, “ref, 65-inch TV set, shoes, golf cart at Rolex” ang few of the favorite things that Kimmy gave him.

Ang babaeng baklang paliwanag ni Chiu sa mga gifts of love niya for Ge, “Actually, investment ko siya dati. Nalugi lang ako.”

Tanga lang daw talaga siya tuwing magmamahal at mahal talaga siyang magmahal, huh!

Ang most wonderful aspect about the guesting, eh ang katotohanan na the two have matured separately kaya hindi sila ill at ease ngayong they are working together.

Everything is water under bridge. Mga nakalipas na di na maaaring balikan pero masarap alalahanin.