Bago naging Aubrey at Boyet sina Rita Daniela at Ken Chan, ang diva that you love, nu’ng pictorial consultant pa sa isang showbiz glossy, sina Daniela at Chan, kasama sina Mark Neumann at Sophie Albert, dineklara namin na the next big thing.
Very pang-Vanity Fair ang pictorial na ‘yun, dressed and styled to the nines ang dalawa. Sino naman ang mag-aakala na after the prophetic photo shoot and inside features, ito na nga, household name ang katauhan nina Rita at Ken sa afternoon guilty pleasure ng mga Kapuso, ang “My Special Tatay.”
Dahil sa taglay na pambihira nilang dalawa ni Chan, magkakakonsiyerto sila sa Music Museum na ang pamagat ay “My Special Love #BoBrey in concert,” huh! May sundot pang chika na maaaring magka-US concert tour ang dalawa. Iba na ang levelling, hindi ba naman?
Bago nakamit ni Rita ang kanyang istariray na stature, marami rin siyang pinagdaanan bilang young vixen. Sinabi niya dati na may secret love affair sila ni Alden Richards. Bashed to death siya. Nagdusa talaga siya. May isang elder actress na feeling eh binabastos niya. Hated to high heavens. May bulag pang chika dati na siya ang tinuro na may inagaw na kasintahan, cursed forevermore si Daniela.
Kaya ngayong she has found her place under the showbiz sun, ang kuda ni Rita sa isang panayam, “Ang sarap pala sa feeling ng ganu’n. Siyempre, ako po, ‘di ba, matagal na panahon po ako na kaibigan lang ni ganito, chuwariwariwap, so I know exactly, like I can distinguish the feeling. You know, the stages of ‘yung each character that I portray? When Aubrey happened to my life, everything changed!”
Mas nakakaipon na raw siya ngayon dahil kay Aubrey. Mas maraming bintana at pintong binuksan at higit sa lahat, mas lumaki ang public awareness tungkol sa kanya lalo na nga’t ang katauhan niya sa show, ang story arc sa simula, dove who flies very low, huh!