RITM pinagsabihang maging maingat sa mga inilalabas na resulta ng COVID test

Nanawagan ang MalacaƱang sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na maging maingat sa mga inilalabas na resulta ng kanilang ginagawang pagsusuri sa coronavirus disease 2019.

Kasunod ito nang inilabas na paglilinaw ng RITM na nagkamali sila sa encoding ng resulta ng COVID test ni ACT-CIS partylist Representative Eric Go Yap na lumitaw na negatibo sa virus .
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dapat tiyakin munang mabuti ang test results bago ito ilabas para maiwasan ang hindi magandang resulta.
“We appeal to the RITM to be more certain of the test results before releasing them to the patients or to their doctors to avoid such unfortunate incident,” ani Panelo.

Kasabay nito sinabi ng kalihim na nagagalak sila dahil positibo ang tunay na resulta ng COVID test ni Yap kahit pa nagdulot ng alarma at pagkabahala sa mga nakasalamuha nito ang unang balita na positibo ito.

“While the erroneous reporting of Cong.Yap’s COVID-19 positive has caused alarm and anxiety to those who had close physical contact with him and made them undergo self-quarantine nevertheless such good news is welcome,” dagdag ni Panelo.