Buong ningning na sinasabi ni Ritz Azul na miyembro siya ng Samahang NBSB (No Boyfriend Since Birth.)
Nag-iipon muna para sa future ang focus ng aktres. Ayaw niya munang seryosohin ang mga manliligaw niya.
Wala rin siyang paki kung sakaling intrigahni siyang tomboy.
“Hindi, kasi alam ko sa sarili ko… nothing against LGBT ha… Parang, well, ‘Eh ano ngayon kung lesbian ako?’ Parang ganoon… pero sa totoo lang, hindi ako lesbian,” bulalas ng aktres sa storycon ng pelikulang “The Closure”.
Sinubukan din niyang ma-attract sa kapwa niya babae pero hindi raw niya ma-imagine ang sarili bilang isang tibo.
Samantala , bibida si Ritz sa pelikulang The Closure ng MABP Productions. Ka-love triangle niya sina Mica Javier at Edgar Allan Guzman. Ito’y sa direksyon ni Paul Singh Cudail.
Dyowa ni Edgar si Ritz sa pelikula at ex niya si Mica.
Abangan ang murahan, tarayan , sampalan , kabugan nina Ritz at Mica sa ‘The Closure’
Paolo bet lumakad sa red carpet ng premiere night kesa SONA
Sunod-sunod ngayon ang special screening ng pelikulang “Guerrero Dos: Tuloy ang Laban”
Pinupuri ang husay ng young actor na si Julio Cesar Sabenorio dahil natural itong umarte. Marami siyang pinaiyak sa nasabing pelikula lalo na ang monologue niya sa harap ng comatose niyang kapatid matapos mamatay ang kanyang ina.
Si Julio ay nanalong Movie Child Performer of the Year sa Star Awards ng Philippine Movie Press Club noong 2018.
Kasama sa cast ng pelikula ay sina Victor Neri, Genesis Gomez , Art de Guzman at Mia Suarez. Pansinin din ang pagsuporta ni Paolo Henry Marcoleta bilang bilang Mr. Bernardo . Maituturing niyang first major supporting role niya ito.
Bagamat anak siya ni Congressman Rodante Marcoleta, hilig niya talaga ang umarte.High school pa lang siya ay nasa teatro na.
Ibang experience ang naramdaman ni Paolo nu’ng premiere night ng pelikulang ‘Guerrero Dos’.
“I never imagined myself walking on a red carpet movie premiere. The feeling is different, despite having walked on that same red tapestry at the State of the Nation Address every three years in Congress (actually, I skip the red carpet most of the time during SONAs 😅). Perhaps because I have always shunned that “celebrity” thing. In the media and entertainment industry, I’d rather be recognized as a consummate performer who is passionate about his craft, and not someone who basks in the limelight. But thank you very much, my EBC Films family, for this experience and the once in a lifetime opportunity,” caption ni Paolo sa kanyang Facebook Account.
Si Paolo ay kilala ring Chief Political Affairs Officer sa House of Representatives. President sa SAGIP Partylist. Lumabas na rin siya sa ‘Felix Manalo,’ ‘Bubble Gang,’ ‘Hapi Ang Buhay’.
SAGIP Partylist
SAGIP Partylist, Quezon City, Philippines. 18,400 likes · 150 talking about this. Social Amelioration & Genuine …
“Hindi ako choosy sa role basta makatulong ako sa pelikula,” deklara pa niya.
Ang Guerrero Dos ay mula sa direksyon ni direk Carlo Ortega Cuevas.