River cruise, ayos na!

KASAMA si Manay Lolit Solis sa 200 guests (more or less) na a-attend sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr. sa Paris, France sa Setyembre.

Excited na ikinuwento ni Manay Lolit na kakanta sa kasalan si Regine Velasquez-Alcasid.

“Ang alam ko, si Regine ang kakanta. Pero napakaraming pupunta. Kasabay nga naming kukuha ng visa si Jennylyn Mercado,” sey ni Manay Lolit.

“Parang ang laki-laki ng wedding na ‘yon. Lahat-lahat, ayos na ayos!” excited pang dialogue ni Manay Lolit.

Sobrang organized daw ang kasalang Vicki-Hayden dahil pati sa river cruise na sasamahan ng mga bisita sa kasalang ‘yon, ayos na ayos.

“‘Yung mga bisita, ilang bus ang sasakyan. Alam na rin namin ang bus number namin,” dagdag ng talent manager.

May isang malapit sa mag-asawa (ikinasal na sila ni Makati City Mayor Abby Binay noong Hunyo 23) ang nagsabing may ibang mga kilalang tao rin ang gustong mapasama sa official guests sa nalalapit na kasal ng dalawa sa Paris, pero hindi lahat ay maa-accommodate dahil piling-pili ang mga imbitado roon.