Rivero tinulungan ang mga Isabeleño

Simula ng ma-implement ang enhanced community quarantine Marso 17, umuwi ng probinsya ang buong pamilya ni University of the Philippines Fighting Maroons ace player Ricci Paolo Rivero sa Isabela.

Sa nakalipas na isang buwan at at dalawang linggo, kasama ng 21-anyos, may taas na 6-1 at tubong Ilagan ang kanyang mga kapatid na sina Prince at Rasheed, ama na si Nazareth School of National University assistant coach Paolo at kaibigan na si NU men’s volleyball team skipper John Vic De Guzman Nag-ikot sila sa lalawigan upang mamahagi ng relief goods sa mga medical frontliner at residente na mga lumalaban at apektado ng coronavirus pandemic.

“It’s been a while since I stayed in Isabela this long since I came to Manila, kaya I wanted to maximize the chance to give back and support my kababayans here who needs help kahit sa simpleng paraan,” sambit ng dating national player.

Noong Apr. 7, namahagi ang pamilya Rivero sa street frontliners ng nasabung lungsod, April 23 nag-donate ng respiratory care at hygiene essentials sa mga medical staff ng Dr. Villaroman Hospital at Isabela Doctors Hospital.

Kamakalawa (Huwebes) lang ng gabi, bumalik ang Rivero brothers sa Iligan upang pasalamatan ang barangay officials at community volunteers sa lugar, kinamusta ang mga apektado ng ECC at inabutan nila ng rice, instant noodles, coffee, sugar at sports drink. (Janiel Abby Toralba)