Tinanggi ni Doc Rivers ang mga naglalabasang balita na interesado siyang layasan ang Los Angeles Clippers para mag-coach sa Lakers.
Marami ang nagsasabing namemeligro ang trabaho ni Luke Walton matapos ang 31-39 record lang ng Lakers na may LeBron James pa sa lineup.
Magkaibigan sina Rivers at Magic Johnson, ang president for basketball operations ng Lakers.
Nagkasundo sina Rivers at Clippers owner Steve Ballmer sa mas maigsing contract extension noong isang taon, may opt-out pagkatapos ng kasalukuyang season.
Pero papalitan na raw ‘yun ng mas mahabang deal. Nagkasundo sina Ballmer at Rivers na tanggalin ang opt-out at gawin na lang extension ang contract.
“I have a job and the Lakers have a coach,” giit ni Rivers. “Straight
upfront, I’m going to be here until Steve says ‘Get out.’”
Si Rivers na ang humawak sa Clippers sapul noong 2013, nakapagsalansan ng 887-654 record.
Kumakapit ang Clippers (41-30) sa eighth at final Western Conference playoff berth.(VE)