Hindi dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng kamatayan ni Gat Jose Rizal sa December 30 o ang Rizal Day.

Sa halip, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may pupuntahan itong ibang lugar para magbigay-pugay sa ibang bayani ng bansa.
Nabanggit aniya ni Pangulong Duterte si Gen. Gregorio del Pilar na tila ito ang gusto nitong big­yan ng pagpupugay.

“Hindi na. Hindi na siya mag-attend ng Ri­zal. He will not be atten­ding the Rizal rites he will rather go to some place where… I think he mentioned that he will go to a place where… tiga san ba si Gen. Gregorio del Pilar? Parang ngayon naman si Del Pilar ang gusto niyang bigyan ng tri­bute,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ni Panelo kung ano ang dahilan ng Pangulo sa hindi pagdalo sa selebrasyon ng kamatayan ng tinutu­ring na pambasang bayani.

Ikinatwiran ng kalihim na hindi lang naman si Rizal ang bayani ng Pilipinas. Mahalaga rin umano na naghahanda ng mensahe ang Pangulo para sa aniya ay nagla­labas naman ang pangulong Duterte ng mensahe sa Rizal Day. (Aileen Taliping)