Hindi man head trainer o coach sa susunod na laban ni Manny Pacquiao kay Adrien Broner sa Enero 19 sa Las Vegas, mayroon pa ring espesyal na gagam­panang papel si Hall of Fame trainer Freddie Roach para sa dating alagang eight-division champion.

“Freddie can supervise or instruct Buboy, ‘this is what we’re going to do,’” kuwento ng magku-40 nang si Pacquiao kamakalawa sa pagtatagpo nila ng dating mentor sa kanyang suite sa Waldorf Astoria Beverly Hills pagkatapos ng second day ng media launching sa laban nila ni Broner sa press confe­rence sa Los Angeles.

“I don’t have any problem with Freddie Roach. All I say is that I think the other work in training should be assigned or designated to Buboy (Fernandez).”

Huling nagkita at nagkausap nang perso­nal sina Roach at Pacquiao pagkatapos matalo ang Pambansang Kamao kay Jeff Horn sa laban nila sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2017.

Naghiwalay ng landas ang magkaibigan sa laban ni Pacquiao kay Lucas Matthysse nitong nagdaang Hulyo 15, 2018 at naagaw nito ang WBA welterweight ng Argentinean.

Ayaw namang umasa ni Roach sa magiging papel niya sa susunod na laban ni Pacquiao.

“I still have never directly spoken to ­Manny (since 2017),” ani Roach. “I’m not going to make a move until Manny calls me. I’ve been like a father to Manny for 15 years. If he can’t call me, there will be no deal.”