Nababahala si Rob Kardashian at ang kapatid niya na si Khloe dahil umano sa behavioral changes ng anak niya sa ex-partner na si Blac Chyna.

Ayon sa TMZ, nag-report umano si Rob sa korte hinggil sa pagbabago ng kanyang anak. Naghihinala sina Rob at Khloe na mayroong kinalaman dito ang ex-partner niya.

Kung totoo ang source ng TMZ, maaaring magkaroon ng pagbabago sa desisyon ng mag-ex nitong March 2019. Malaki ang tiyansa na kunin na ni Rob ang full custody para sa anak niya na si Dream.

Nitong nakaraang taon ay napagkasunduan ng magkabilang kampo na hahatiin nila ang kustodiya sa anak. Bukod pa dito ay hati rin sila sa mga gastusin kay Dream.

Dahil sa kanyang custody agreement ay hindi na kinailangan pa ni Rob na magbayad ng $20,000 na child support tuwing buwan.

Matapos ang naging custody agreement noong Marso, nagkaroon muli ng tensyon sa pagitan nila dahil ayaw ni Rob na lumabas ang anak niya sa reality show ng ex-partner na “The Real Blac Chyna”.

Sey niya sa Twitter, “As Executive Producer of my show, It is very unfortunate that Rob could not simply have an adult conversation with me ‘the mother of his child.”

Nabunutan na nga ng tinik ang mga fan dahil matapos nu’n ay hindi na muling nagtalo ang dalawa sa social media. At ngayon, dahil sa pagbabagong nakikita ni Rob sa anak, maaaring gumawa ito ng hakbang para hindi tuluyang mapalayo ang loob ng anak sa kanya. (Ronaline Avecilla)