TANGGAP ng Kapuso newbie na si Rob Moya ang pagiging bading ng kanyang amang dating aktor na si Jovit Moya.
Natuwa kami sa dayalog ng 23-anyos na binata na, “My dad is the best. No matter what he is or how he is in life, I will never forget kung paano niya ako binigyan ng pagmamahal, kung paano niya ako inalagaan araw-araw since the day I was born.”
Si Jovit ay dating member ng youth-oriented TV show na That’s Entertainment ni German Moreno, tapos ay naging pulis ito nu’ng wala na sa showbiz.
Hindi sila magkasama sa bahay kaya hindi alam ni Rob kung may karelasyon ngayon ang fadir niya o wala.
Never pala nitong in-open sa kanya ang mga naging relasyon nito, so never nilang napag-usapan.
Paano kung may ipakilalang lalaki sa kanya ang daddy niya na dyowa nito?
“Wala namang problema sa akin. Kasi, para kaming mag-bestfriend, eh. Okey lang,” pakli ni Rob, na nagsimula sa commercials tapos ay nag-audition sa GMA kaya siya naging talent ng Artist Center.
Nabanggit niya sa amin na may sarili nang business ang tatay niya at umalis na ito sa pagkapulis.
Anim na ang naging girlfriend ni Rob, na naranasan nang kainlaban ng isa niyang lalaking best friend.
Nang minsang malasing ang kanyang foreigner bestie ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya, pero ang sabi niya rito ay hanggang friends lang sila dahil girls talaga ang bet niya.
Kahit gay ang father ni Rob, tiniyak niya sa amin na wala siyang bahid at 100% straight guy siya.
Showbiz crush niya si Andrea Torres kaya sobrang tuwa niya nang mapasama siya sa cast ng Alyas Robin Hood.
Alam ni Andrea na crush niya ito. Tinext niya na ito dati, pero hindi ito nag-reply.
Feeling niya ay hindi siya type ni Andrea.
Handang lumaban sa paseksihan si Rob, na pangarap magkaroon ng underwear billboard sa kahabaan ng EDSA.
Keri niya raw magbuyangyang ng kanyang BUKOL dahil alam niyang may ipagmamalaki siya. May lahing Spanish si Rob, pero sa Japan siya lumaki.
Kahit sexy movie ay handa rin siya. Keri niyang magpakita ng puwet huwag lang ‘yung harapan niya.
Maging sa man-to-man halikan ay game si Rob dahil nagawa na nila ito ni Gabby Eigenmann sa indie film na Swipe kung saan callboy ang role niya.
Thankful si Rob na part pa rin siya ng Alyas Robin Hood 2 bilang pulis na si PO4 Alex Cruz.
Ang bida ng ARH na si Dingdong Dantes ang showbiz idol ng nakakatuwang katsika na si Rob Moya.