Robbery group nalansag, 4 naaktuhan sa pot session

Drug pusher na matandang dalaga kalaboso

Arestado ang isang miyembro ng notoryus na Samsodin Malawi Robbery Group kasama ang apat pang drug suspect sa ikinasang ope­rasyon ng Parañaque City Police kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, ng Parañaque City Police ang nadakip na sina Rolando Sulde, miyembro ng robbery group, 41; habang ang kanyang kasamahan ay sina Mark Anthony Tan, 32; Rico Dela Cerna, 28; Carlo Dela Cruz, 27 at Marivic Malong, 32.

Ang mga suspek ay pawang nasa drug watchlist maliban kay Dela Cerna.

Sa report, alas-dos ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust operation sa San Juan de Coastal sa Brgy. San Dionisio.

Nakabili ang mga pulis ng isang plastic sachet ng shabu kay Sulde dahilan para dakpin ito. Nakumpiska pa sa kanya ang 4 pang plastic sachet ng shabu.
Naaktuhan naman ang apat na suspek sa gitna ng pot session.

Nakumpiska sa kanila ang nakabukas na plastic sachet na may bakas ng puting pulbos na hinihinalang shabu at mga paraphernalia. (Armida Rico)