NI: Rona Ronda
Pumanaw na ang American actor na si Robert Conrad sa edad na 84 nitong Sabado, February 8. Siya ay sumikat sa 1960 sci-fi western TV series na “The Wild Wild West”.
Nagsimula ang karera na Robert sa 1959 TV show na “Hawaiian Eye”. Matapos nito ay napasama siya bilang Secret Service agent James T. West sa “The Wild Wild West”.
Marami pang TV shows na kinabilangan ang aktor at ang kanyang huling appearance sa pelikula ay noon pang 2002.
Ang hindi malilimutang sinabi ng aktor ay ang tatlong cycle sa mundo ng showbiz. Aniya sa Interview noong 1988, “They don’t know you, then they love you, and then you’ve been around so long they hate you. Now I’m starting all over again.”