Robi host sa kasal ni Liza

Sa latest vlog ng host na si Robi Domingo, bumida ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Si Robi rin kasi ang napili ni Liza na maging host para sa grand opening ng bagong branch niya ng “Hope Your Wellness Ritual” spa.

May pa-spa tour pa si Liza para kay Robi. Ibinahagi rin niya ang mga serbisyong kanilang ino-offer. Bukod pa diyan ay nagkaroon din ng “K-Pop Quiz” para sa LizQuen.

Nagwagi ang K-Pop fan na si Liza at bilang consequense sa pagkatalo ni Enrique ay hinalikan niya ang dyowa sa pisngi.

Dahil sa pagiging magaling na host ni Robi, nagkaroon sila ng pangako sa isa’t isa na kung sakaling ikasal ang aktres ay siya ang magiging host nito. Sey ni Liza, “I would love that.” (Rona Ronda)