Robi inokray sa pagho-host

NI: ARCHIE LIAO

Affected ang TV host-actor na si Robi Domingo sa tweet ng isang basher tungkol sa istilo ng kanyang pagho-host.

Ayon kay Robi, tumatagos daw sa pagkatao niya ang nasabing pamba-bash.

Gayunpaman, game niyang ibinahagi ito at binasa sa followers ng kanyang vlog.

Ang pamumuna sa kanya ay nangyari noong ma-interview niya sa kauna-unahang pagkakataon ang sikat na boy band na SB19.

Ani basher :”I watched the interview of SB19 on ASAP and the hosts were very unprofessional especially Robi Domingo making unnecessary jokes that aren’t really funny. He kept interrupting and laughing at the boys while they were talking.Disrespecting much. Mga di marunong mag-host.”

Umani naman ng papuri si Robi for being cool and sport in handling the criticism.