AYON kay Robi Domingo, wala naman daw siyang dapat ika-guilty sa ginawa niyang pagpo-post ng video­ nina Liza Soberano at Da­niel Padilla habang nasa backstage sila ng ASAP noong Feb. 11.

“Ang daming nagsasabi sa akin, even ‘yung Star Magic to do something about it. Ako kasi, why should I feel guilty, kasi kilala ko naman lahat, magkakaibigan kami dito – sina Liza (Soberano), Enrique (Gil), Kathryn, Da­niel, and hindi nila alam kung ano ‘yung real score.

“I don’t have to apologize for something I did kasi wala namang malicious intent ‘yun,” paliwanag ni Robi nang ma-interview ng ilang reporters last Sunday.

Ikinuwento ni Robi na ang nangyari raw kasi ay nabigyan siya ng spiel na dapat sasabihin ni Liza sa ASAP na last three weeks na lang ang La Luna Sangre pero nakiusap sa kanya ang young actress na siya na lang daw ang magsabi nu’n.

“Sabi niya, “okay lang ba kuya Robi, ikaw na magsabi?” para hindi siya ma-bash ng mga KathNiel. So, may issue pala. I didn’t know na may ganung conflict,” kuwento pa ni Robi.

Habang nasa backstage raw sila ay sinabi lang niya na “o Liza, may gusto kang sabihin kay Daniel?’ at ‘yun na nga, marami na ang naka-misinterpret na mga fans.

Tinawagan na raw niya sina Liza at Kathryn agad-agad at sinabihan daw siya na huwag daw mag-alala at alam naman daw nila ang nangyayari.

Ang mensahe na lang ni Robi sa LizQuen and KathNiel fans, “it’s okay, it’s all good, kasi alam ko ‘yung totoo.” (Vinia Vivar)