Inamin ni Robi Domingo na hindi pinayagan ng kanyang pamilya ang kanilang mga magulang na maging frontliner. Ito ang pahayag niya sa #KapamilyaFBLiveTakeOver via ABS-CBN’s official Facebook page.

Napagdisyunan nila ito pagkatapos daw na maging positive sa COVID-19 ang dalawa niyang tiyahin na nurse sa US.

“ ‘Yung puso ko talaga malapit sa mga medical practitioners primarily because you know, my parents are both doctors. They’re here. They’re both here. They’re senior citizens kaya hindi na namin pinayagan. ‘Yung risk nandu’n na,” deklara niya.

Pero dagdag niya magaling na raw ang mga titas niya nagka-virus.
Sinabi rin niya na napraning siya sa nangyari.

Dahil dito, naka-relate siya sa mga tao at pamilya na apektado ng sakit na COVID.

“ I am with you. I am one with you,” lahad ni Robi.

@@@

‘Ang Huling El Bimbo, The Musical’ libreng mapapanood

Ang sikat at pinag-usapang rock concert musical na “Ang Huling El Bimbo,” ay nagbalik para mapanood ng mas marami .Palabas ito nang libre sa ABS-CBN Facebook at YouTube mula ngayong Biyernes (Mayo 8) hanggang Sabado (Mayo 9).

Katuwang ng ABS-CBN ang Resorts World Manila at Full House Theater Manila sa paghahatid ng palabas para makalikom ng donasyon para sa “Pantawid ng Pag-ibig.” Ito ang kampanya ng ABS-CBN na tumutulong sa mga Pilipinong higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Unang napanood ito sa entablado noong 2018. Umabot sa higit 100 na pagtatanghal ang naihandog ng “Ang Huling El Bimbo, The Musical” sa Resorts World Manila. Tungkol ito sa apat na magkakaibigang sama-samang hinaharap ang pagsubok ng buhay na sumasalamin sa napapanahong suliranin ng mga Pilipino.

Ilan sa mga awiting mapapakinggang muli ay ang “Minsan (“Once”), “With a Smile,” Ligaya (“Joy”), at “Ang Huling El Bimbo.”