Robi, Tessa, Simon naglakwatsa sa Hokkaido

Marami ang nagkainteres sa Hokkaido, Japan nang mapanood ang special documentary ni Robi Domingo tungkol dito nu’ng 2014. Ito’y pinamagatang “Lakwatsero sa Hokkaido” na ipinalabas sa ABS-CBN 2. Binigyan din si Robi noon ng award ni Hokkaido’s Vice Governor Yoshihiro Yamaya bilang “Smile Ambassador.”

Ang layunin na mapalawak ang turismo ng Hokkaido at magugustuhan ng mga Pinoy ay pinapalaganap din ngayon ng Hokkaido Tracks.

Kamakailan ay nagkaroon ng second presentation gala event ng Hokkaido Tracks sa One Shang­rila Residence. Pinapangunahan ito ng Team Philippines at ng International Head of Sales and Marketing for Hokkaido Tracks na si Demely Britania.

Dumalo ang Hokkaido Tracks’ President na si Mr. Simon Robinson sa nasabing event kasama ang kanyang team mula Hokkaido na kinabibila­ngan ng kanilang Sales Directors na sina Paul Butkovich at Scot Tovey. Si Ms. Tessa Prieto-Valdez ay nag-share din ng magandang karanasan sa pagta-travel niya sa Hokkaido samantalang si Genis Enriquez ang naging temporary and stand-in voice over dito.

Sina Simon at Paul ay nagkaroon ng presentation ukol sa overview ng Hokkaido Tracks’ history, vision, mission, at locations.

“I believe that there is a market in the Philippines that actually are interested in Hokkaido for its holidays. But I also think too that there‘s an opportunity for Filipinos to invest directly into Hokkaido and possibly pre-owned… ownership. It’s a very tight and it’s a young area, in a sense of opportunity. I’d see a lot of capital growth,” deklara ni Mr. Simon, kung bakit nila pinili ang Pilipinas para ipakilala ang Hokakaido Tracks.

Idinagdag pa ni Mr. Simon na hindi lang para sa masayang bakasyon ang Hokkaido kundi para rin sa business opportunities.