PINATUNAYAN ni Robin Padilla na wala siyang isyu sa mga Koreano. Matatandaang binatikos si Robin ng ilang netizen kaugnay sa diumano’y panghihiya niya sa Koreanong nag-audition sa Pilipinas Got Talent nu’ng nakaraang buwan.

Sa pinakabagong post ni Binoe sa kanyang I­nstagram wall, makikita ang wacky shot with Ryan Bang at iba pang mga Koreano.

@robinhoodpadilla, “Ok din talaga ang mga dayuhang Koreano. Maraming salamat sa ‘yo kapatid na Ryan Bang at sa mga kababayan mong sina direk Young Hun Kim, cameraman Ho Eun Park at Cheol Hyung Jo, sila ay taga-MBC Network sa South Korea. Katulad ni Ryan napaka-humble ng mga ito at magalang. Welcome gentlemen to the land of the Los Indios Bravos.”

Hindi man sabihin ni Robin, bumabawi siya sa mga hindi nakaintindi ng intensyon niyang mag-adjust ang mga banyaga. Lalo na kung matagal na silang naninirahan sa ‘Pinas.

Isabelle Daza ibinalandra ang malaking tiyan

IBINALANDRA na ni Isabelle Daza sa kanyang Instagram account ang kanyang malaking tiyan.

Hindi man first time ni Isabelle na ipakita ang pagbubuntis. Ito ang kauna-unahang nagpakita siya ng tiyan na walang takip.

Proud si Isabelle na ipakita ang kanyang tummy sa publiko.

@isabelledaza “There comes a time in your pregnancy that people just rub your belly freely, and sometimes they end up going too low and then you’re like ‘ok, I guess that’s happening’.

Anyway, babae ang magiging anak ni Isabelle dahil sa comment ni Pauleen Luna-Sotto na “baby girl” ang dinadala ng aktres.

Anne muling nagpasilip ng kaseksihan

UMARIBA na naman ang paglalaro ni Anne Curtis nang ipasilip niyang muli ang kanyang kaseksihan sa social media.

Naka-post sa Twitter account ni Anne ang bikini photo niya.

@annecurtissmith, “Hahahaha! Ang init na talaga!”

Sa larawan talagang mag-iinit ang sinumang lalakeng makakakita sa sumasagitsit na kaseksihan ng It’s Showtime host.

Kung puwede nga lang hubaran si Anne sa larawang ito, pinagtripan na ito ng mga manyakis na nag-iilusyon na maikama siya.