Ang dating bad boy at tiyuhin niyang si Robin Padilla, ang mensahe para kay Mark:

“Purihin ang Panginoong Maylikha, mahal kong Pamangkin… Nakahinga ako nang maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay, Mark. Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo…

“Sir Bato at sa Angeles City PNP, tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez. Alhamdulilah.”

***

ILANG update sa Mark Anthony Fernandez saga…

Ang current live-in partner niya at bagong panganak pa ito, du­malaw na sa kanya sa kulungan.

***

Alma Moreno
Alma Moreno

Hindi pa umaapir ang mommy dearest niyang si Alma Moreno dahil nag-shoot up ang blood pressure nito.

Kapag kaya na ni Loveli-Ness na makadalaw sa anak, makakaasa tayo na GREATEST PERFORMANCE of her life niya ito.

***

Sa kanyang drug test, negative si Fernandez sa shabu, positive sa mari­juana.
Non-bailable ang kanyang offense.

***

We can never get enough of this message filled with unconditio­nal love mula sa kanyang anak na si Grae Fernandez: “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad.”

Blood is indeed, thicker than water.

***

Ang mom ko who is so tutok na tutok sa mga kaganapan na ito, nagtataka lang siya kung bakit tila walang legal counsel si Mark du­ring his press payanig.

May abogado na ba ito para man lang magaba­yan sa kanyang mga ipinapahayag at pagsagot-sagot sa mga tanong?

***

May isang panalong reaksyon mula sa aking kaibi­gan, “Hindi siya pusher, user siya ng marijuana at kung bumibili man siya, pansariling gamit lang.

“Ang dapat hulihin, ‘yung supplier nyan at kung pinainan man siya, hindi niya kasalanan.

“Tulad ng iba, ipa-rehab at ‘wag naman pong ikulong para hindi masira ang buhay niya at ng pamilya niya!”

10 Responses