Kamakailan lang ay nag-post si Kylie Padilla ng isang prenup shoot nila ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram account. Nagpasalamat din siya sa kanyang wedding video­grapher.

“Thank you so much to this team, we had our official prenup pictorial & video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!!,” caption ni Kylie sa larawang ibinahagi.

Masaya naman ang ama ni Kylie na si Robin Padilla dahil ikakasal na ang anak.

Aniya sa Instagram, “Alhamdulillah Praise God napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito @kylienicolepadilla Nasa iyo anak ko ang malalim kong paggalang at paghanga. Saludo ako sa pag ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo. Masyado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay. Maraming salamat sa iyo o aming Nag iisang Dios na lumikha AMEEN!”

Wala pang inaanunsiyo sina Kylie at Aljur kung ­kailan ang opisyal na date ng kanilang kasal. ­