#IMO(in my opinion)
Vinia Vivar

Babae ulit ang gender ng baby No. 2 nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na kasalukuyang ipinagbubuntis ngayon ng TV host.

As promised, ini-reveal ito ni Mariel last Sunday kung saan ay in-upload niya ang video ng gender reveal party na ginanap last Saturday na dinaluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nila.

Ipinaliwanag ni Ma-riel sa video na hindi raw plinano si baby No. 2.
“In my head, I really wanted to give Isabella (their eldest daughter) a sibling, pero gusto ko sana, magta-try ako ‘pag 3 years old and above na siya para mas ma-explain ko sa kanya nang mabuti na magkakaroon na siya ng kapatid,” ani Mariel.

Masyado raw selosa si Isabella at feeling niya ay hindi pa ito ready na magkaroon ng kapatid.

“Pero maaga binigay ni God ‘yung blessing kaya ang nickname ko for this baby is Baby Surprise,” she said.

Ang best part daw ng gender reveal party ay ‘yung mismong ang mister niyang si Robin Padilla ay hindi pa alam ang gender at inilihim daw niya talaga kay hubby considering na hindi raw siya naglilihim dito and she tells everything.

“Ito ‘yung talagang sinicret ko, there were times na madudulas na ‘ko pero talagang ginalingan ko talaga na i-surprise siya sa gender ng aming baby No .2,” kuwento pa ni Mariel.

Pero ang nakakatuwa pa, may vide­o interview pa si Robin ng hula niya sa kanilang second baby.

“Sa nakikita ko, kasi siyempre, marami na rin naman akong naging anak, sa nakikita ko kay Mariel, mukhang babae. Kasi, ang ganda-ganda niya, sobra.

“Naguguluhan lang ako, minsan, hindi ko mabasa, kasi ‘yung paglilihi naman ni Mariel ngayon, matindi. Minsan, iniisip ko, baka lalaki ito kasi ‘yung paghihilo niya nga-yon, iba, eh. Pati ako nadadamay, eh. Pati ako nahihiluhan,” sabi ni Robin.

In the end, aniya, anuman daw ang gender ay okay sa kanya.

“Babae, lalaki, bakla, tomboy, walang ano sa akin. Basta tao. Gusto ko ‘yung anak ko, makatulong doon sa tradisyon ng pamilya, na makatulong doon sa less-fortunate. ‘Yun lang naman,” saad pa ng action star.

Dahil nga pangalawa na ito ni Mariel, ani Robin ay alam niyang hindi na gaanong mahihirapan pa ang asawa sa pagbubuntis at panganganak unlike the first time.

Pagkatapos ng gender reveal moment, mahigpit na niyakap ni Robin si Mariel.

Xian na-miss kaeksena si Kim

Nagsimula na palang gawin nina Xian Lim at Kim Chiu ang reunion project nila, ang teleseryeng “Love Thy Woman” under Dreamscape Entertainment.
Nag-post si Xian ng larawan niya sa Instagram na kuha mula sa taping at si Kim pa ang kanyang photographer.

Sa caption, ipinahayag ni Xian na na-miss niyang katrabaho ang girlfriend.
“@chinitaprincess thank you for the picture. Nakakamiss ka maka-eksena,” caption ni Xian.

Sumagot naman ang mga netizen na sila rin daw ay na-miss nila ang dalawa na magkasama sa isang teleserye.

Matatandaang ang huling soap opera pa ng KimXi ay ang “The Story of Us” noong 2016.