“TANONG ko lang, bakit may kasamang mga laos na artista, hao siao, at wannabe sa biyahe ng Panggulo sa Russia? May stageshow ba? Nyet-a!”
Isa itong Facebook rant mula sa isang kaibigang dalubguro na Journalism ang itinuturo sa pambansang unibersidad.
Ang dahilan kaya may palakat ang dalubguro, ang larawan kung saan nakangiti para sa salinlahi sa hinaharap sina Bernard Cloma, Cesar Montano, Robin Padilla, Sandra Cam, at Philip Salvador.
Kahit ang diva that you love, may hibang at tuliro factor with the fact that these are the people who were in Russia.
I cannot help but wonder, are they the ‘best’ individuals to represent the men and women of our Republic?
Mauunawaan ko si Montano na kasama sa delegasyon. Siya kasi ang Head ng Tourism Promotions Board. He is Mr. Big and Gorgeous after all.
Sa kanyang pagka-macho papa at Pinoy na Pinoy na kulay, kisig at tindig, marami siyang mga Rusong mahihikayat na pumunta sa Pilipinas.
Eh si Padilla? Hmmm… ano ang papel niya sa Russian trip? Hindi ko rin ma-gets ang kanyang bigote. He looks better without it.
Mas mainam siguro kung sumali na lang siya sa baby shower ni Kylie Padilla at hindi lang blessing ang binigay niya rito.
Mas may mileage rin kung nagbunong-braso o nag-wrestling sila ni Aljur Abrenica.
Sukatan ng lakas. Sukatan ng pagkalalaki. Matira ang matibay. The original Bad Boy versus the Machete of the new generation. Panalong pagtatapat, hindi ba naman?
Mas panalo rin kung mas pinili niyang maging negosyador pangkapayapaan sa Marawi. His heart is in the right place when it comes to Muslim affairs.
Si Salvador? Hindi ako sure kung may biblical mission si Philip sa nasabing bansa lalo na’t he is more of a pastor now than an artista.
Marami kayang misguided individuals sa dating Unyong Soviet kaya kasama siya sa tropa?
Si Ms. Cam? Look na lang ako sa langit at itatanong ko sa buwan.
Si Cloma? Well, Bernard is the biggest social climber this side of the planet.
May chance na nagdadabog ang second biggest social climber na si Tim Yap sa feat na ito ni Cloma. Kaya feeling ni Bernard, “Belat sa iyo, Yap!”
Hindi ba dati, when Kris Aquino was ther darling of all, ‘ka-close’ niya si Cloma? Ngayon, malapit na si Bernard sa new regime.
Ano kaya ang pakiramdam ni Tetay tungkol dito?
Mas maloka kaya si Aquino kung si Darla Sauler ang kasama sa Russia?
At ano ang role ni Bernard sa Russia? Siya na ba ang opisyal na pambansang payaso? O siya na ang pinakamagandang hunyango sa balat ng Universe?
***
Marami-raming private messages na tinanggap ang diva that you love tungkol sa aria ni Manny Castañeda tungkol sa kanyang tila pag-aalala na si Jim Paredes ay ‘mentally ill and urgently needs help.’
Ang hanash ni Castañeda ay reaction sa sinabi raw ni Paredes tungkol sa kaguluhan at mga personaje sa Marawi.
Fake account pala ang pinang-ugatan ng mga hanash ni Manny.
Para maging patas ang laban, bilang mga ‘artista,’ pagkumparahin n’yo ang body of work nina Manny at Jim Paredes.
Ano na ba ang naging kontribusyong katangi-tangi ni Castañeda sa popular culture?
Please check his filmography, theater and TV credits? May isa, dalawa o tatlong karakter man lang ba si Manny na kumintal sa inyong pag-iisip o kaya ay kinurot at hinaplos ang inyong mga puso?
Nang lumalaki ka, pinangarap mo bang sumunod sa yapak o sa karera ni Manny Castañeda?
Kay Jim Paredes, bilang bahagi ng APO Hiking Society, mang-aawit, composer, photographer at kolumnista sa isang broadsheet, meron bang isa, dalawa o tatlong ginawa niya na nagpalawak sa inyong pag-iisip, bumilis ang tibok ng inyong puso dahil sa kilig o lungkot, may ngiti bang namumutawi sa inyong mga labi ‘pag naririnig ninyo ang Awit ng Barkada, Blue Jeans o Nakapagtataka?
Sa usaping politikal, laging may persepsyon na ang naghaharing uri, pati ang mga kaalyado at lintang sumisip rito, ang nagwawagi at nanalo.
Na ‘pag ikaw ay taliwas sa nasa at kagustuhan ng mga taong may hawak sa emperyo, minorya ka o kaaway.
Sa mga panahong ito, ano ba ang dapat mong binabasa, pinapakinggan at sinapuso?
e kaw ba baklang writer…may naiambag at naitulong ka ba sa bansa para sa pag-unlad?! wala ka namang alam isulat kundi puro kabastusan at kabaklaan. puro NOTA at BAYAG ng mga artistang lalake ang laman ng balita mo! pweh!
may lalaki bang gumagamit ng salitang “pweh”…hahaaaha