Robin minura ang mga pasaway

Robin minura ang mga pasaway

Pabiro at kwela ang pagmumura ni Robin Padilla sa kanyang recent Instagram post. Kinakastigo niya ang matitigas ang ulo na labas nang labas pa rin ng bahay.

“Mga tawid dagat na construction workers galing bicol at mindanao hindi na nakabalik sa kanilang pamilya dahil sa lockdown isang beses lang daw sila dinalhan ng mga amo nila ng suporta kaya humingi ng tulong sa baranggay mabuti kilala ni phet at napuntahan kahit man lang pantawid gutom nila ay maibsan ang napakahirap na sitwasyon ng mga manggagawang ito.

“Pakiusap sa mga matitigas ang ulo na pakalat kalat pa sa kalsada sanhi ng paglaki ng numero ng mga infected at namamatay kaya tuloy humahaba ang lockdown COOKING INA NYO! Manahimik muna kayo sa mga bahay ninyo at may mga padre de pamilya na nagdurusa sa pag iisip sa kanilang pamilya,” post ni Binoe.

Pinayuhan din niya ang mga mamamayan na pagkasyahin na lamang ang natatanggap na ayuda mula sa gobyerno at huwag nang magreklamo.

“’Yung may mga natanggap na ayuda sa gobyerno wag na kayong magreklamo pagkasyahin niyo na yan dahil may mga mahihirap din na katulad ninyo na wala pang natatanggap na kahit ano,” aniya.

Patawa rin ang pagmumura niya sa mga amo na pinapabayaan ang kanilang trabahador.

“At sa mga amo na nag patay malisya na lang sa mga trabahador nila habang silay nasa mga aircon at masarap pa rin ang pagkain at pa relax relax TANGING INA NYO!”

Pati si Mariel Rodriguez ay naaliw sa ‘pagmumura’ ng mister.

“Cooking ina niyo is so funny 😂 hehehehe,” komento ni Mariel.