Robin nagmura sa kawalan ng tubig

Napamura na nang ‘di oras si Robin Padilla sa kawalan ng tubig.

Tila napikon na ang action star at naglitanya ng pagkahaba-haba sa kanyang Ins-tagram account at binira ang mga politiko na nagpapasasa sa ma-ginhawang buhay habang ang taumbayan ay nagbabayad ng mala-king buwis.

“Dios Mio ang layo ko sa Inangbayan Pilipinas pero ang l­alakas ng boses na naririnig ko Kaliwat Kanan Taas Baba na naman ang mga magagaling. Paalala ko lang sa mga pulitiko na ito ang kanilang mandato maari bang bago ninyo saklawan ang geopolitics ay ayosin niyo muna ang pagdeliver ng basic services sa mga tahanan namin.

“P_tang ama! kayo lang ang magiginhawa ang buhay! kami ang taas ng mga tax namin binabayaran ni tubig sa gripo wala kami! Mahiya naman kayo!” ang simula ng post ni Binoe.

Kinuwestiyon din niya ang mga politikong nakikipag-away sa China at pagtutuunan na lang daw ng pansin ay ang corruption sa gobyerno.

“Kung makapaghamon kyo sa China akala mo ang ginhawa ng buhay ng mga Pilipino. Ayosin niyo muna ang domestic threat sa Mainland Philippines bago kayo magpakamatalino at sumigaw ng foreign threat! Amerika ka nga AMERIKA na yun ah! ingat na ingat sa isyu na yan kaya nauuwi sila sa Trade War na lang tayo gusto niyo direct confrontation!

“Pls we need water on our faucets! NOW!” ang pagtatapos ni Robin.
Sinuportahan naman ng misis niyang si Ma-riel Rodriguez ang kanyang post at nagkomento sa comment section.

“Yes!!! Ang sakit sa loob na akala ko mayaman na ako tapos d­umating yung bayaran ng tax tapos nag bayad ako ng tax na para sa akin ay MALAKI tapos walang tubig sa bahay tapos may tax ulit na june 20 and June 28 na due ano yun???? Di pa ako nakaka recover dun sa malaki ko na binayaran meron na ulit????? Tapos wala tayong tubig?!?!?!?!?!?” ang reaksyon ni Mariel.
***

Eddie minimal ang brain activity

Sa latest medical bulletin ni Eddie Garcia released yesterday, patuloy pa rin daw na nasa kritikal na kundisyon ang veteran actor at pinalilimitahan na ang mga bisita.

“According to Mr. Eduardo ‘Eddie’ Garcia’s attending physician, Dr. Regina Macalintal-Canlas, Mr. Garcia continues to be in critical condition. He remains dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure. His latest electroencephalogram (EEG) study showed minimal brain activity.

“Visitors are strictly limited to prevent complications from occu-ring,” ang buong nakasaad sa medical bulletin na ini-release ng Makati Medical Center kung saan naka-confine ang magaling na beteranong aktor.