NI: ROLDAN CASTRO

Kontrobersyal na naman ang magkapatid na Robin Padilla at Bb Gandanghari.

May pasabog na naman si BB sa kanyang IG Live na nilaglag umano siya sa ere ng utol niya.

Hindi raw siya nagpapaawa kaya nagsasalita siya ngayon. Aminado siyang may pinagdadaanan ito sa pamilya.

Very vocal si BB na wala man lang nangumusta sa kanya nang magkaroon ng pekeng balita na namatay na ito. Feeling niya ay pinabayaan umano siya ng mga kapatid niya at kamag-anak.

“Inilalaglag ako sa ere. ‘Yun ang pakiramdam ko. Ito ang naparamdam niyo sa akin sa lockdown, ‘No amount of lockdown can make us call you. You call us!’” bulalas niya sa IG Live na patungkol kay Robin.

Bukas ang panig ni Binoe sa payanig na ito ni BB sa kanya. Importanteng malaman ang kanyang panig.