NI: VINIA VIVAR

Ipinost ni Mariel Rodriguez ang larawan ni Robin Padilla habang naglilinis ito ng playground ng panganay nilang anak na si Isabella. Pinuri at pinasalamatan ng TV host ang kanyang mister for being a good father.

“Thank you, you are a good father. Cleaning the playground for Isabella… pwede naman ipagawa na lang tapos mag Netflix ka… but you want to be the one to do it,” ang caption ni Mariel.

Naaliw kami sa komento ng mga netizen na baka raw stressed or bored si Binoe kaya naglilinis.

“Pang tanggal bagot yan kasi wala syang magawa. That is just normal for dads,” komento ng netizen.

Sagot ni Mariel, “like i said pwede siya manuod na lang ng netflix sa aircon.”

“Baka stressed sya abt something..kaya naglilinis. There are people who cleans lalo na pag stressed. Personal opinion lang ha..ganyan kasi ako,” komento naman ng isa pang IG user.

Of course, mas marami naman ang pumuri kay Binoe sa pagiging mabuting ama na sinisiguro ang kaligtasan ng anak.