Ni: ROLDAN CASTRO

Marami ang nagulat kay Robin Padilla sa post niya sa pagsasara ng ABS-CBN 2. Nag-iba raw ang ihip ng hangin.Hindi sila makapaniwala sa statement at pagkambyo ng aktor.

Ibang-iba na raw ang statement niya kumpara nu’ng kainitan ng isyu sa prangkisa.

Lumabas na rin sa Tonite ang sinabi niya sa Instagram na pagbabago sa Dos ang gusto niya. Hindi ang pagsasara ng istasyon na may 11,000 na nawalan ng trabaho.

Marami ngayon ang humuhusga sa aktor na umano’y plastik at balimbing.

Reaksyon ng mga netizen sa kanyang IG account.

@bannelgoltea, “Diko ma intindihan idol. Noon supportado ka sa pag sasara, ngayun parang kumambyo ka ata. Ano meron idoL?? Tanong lang.”

@nhes_estremera, “Parang d ko maintindihan pakay mo idol kya minsan hirap daming salita buti Pa manahimik nlng anu yun balimbing style. cencya napacoment lng talaga.”

@hailtothequeen21, “ang gulo mo robin..ene be telege.”

@nhes_estremera, “Whee dba ikaw dati bumabatikos dyan idol peace po.”

May nagtanggol naman sa action superstar.

@sweetheartina, “Wag kayo magalit sa idol nyo, kasi opinyon nya lang naman yan, at tama naman sya na nasa crisis tayo now, ang gusto lang nya ipagpa liban muna, just saying lang po. “

@whattaqueen_, “Yung nagsasabi po na magulo si idol robin. Ang point niya is maitama ang mali para sa mga over work na nagttrabaho doon na staff kaya niya dati binabatikos. Hindi niya ito binatikos para isara po .. Gusto lang niya nang HUMAN RIGHTS at itama ang mga mali..”

Wala pang sagot si Robin sa mga bira ng netizens sa kanyang IG. Bukas ang Tonite sa panig at depensa ng aktor.