
HAVEY: Kasama ako na nag-ayos with bin Padilla’s manager Betchay Vidanes ng panonood ni Binoe sa CCP (last full show sa Main Theater) ng entry ng Megastar Sharon Cuneta sa Cinemalaya na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.
Komento ni Binoe sa napanood na pelikula, “Napakagaling ng pelikulang ito. Napakanatural at napakatotoo ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ni Ma’am Sharon.
“Husay ng pagkakagawa at pagkakaganap ng mga artista lalo na ang aking idol, Ms. Sharon Cuneta.
“Tawa ako nang tawa sa mga eksena dahil walang humpay na pagsasalarawan ng mga katotohanan sa buhay at higit sa lahat, ako’y natulala at napaisip sa kinakaharap na suliranin ng maraming kababaihan sa ngayon pagdating sa edad ng crossroads.
“Very Filipino ang pelikulang ito. Hindi siya American style, hindi rin European style, umaapaw ang kultura natin dito.
“Sure win si Ma’am dito, napakagaling niya. Taas ang kamay ko sa iyo, Sharon Cuneta!!!”
Bagay na ipinagpasalamat naman ng Megastar Sharon Cuneta sabay sabing, “Thank you to my forever friend Robin Padilla for watching and posting his thoughts on our movie.
“Lagi ka talagang maaasahan. Ikaw LANG nga ang naaasahan ko eh. Hahaha! Thanks again! Love always.”
By this time we already know kung wagi si Mega sa Cinemalaya, pero anuman ang resulta, at least we are happy to note that the Megastar is ready to face the big screen once again.
Inaayos na ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema na siya rin palang magre-release commercially ng kanyang Cinemalaya entry.
And is it true that instead of Gabby Concepcion or Ian Veneracion, mukhang si Robin Padilla na ang kanyang makakatambal.
Well, taas na ang kamay natin. Mahal na nga natin sila. Balik-Maging Sino Ka Man feels!
***
WALEY: Waley sinayang na oras sa pilot episode ng aming radio program at nagpapasalamat ako sa unang boses na narinig, ang aking Tatang na si Martin Nievera who is always there in significant moments sa aking buhay.
Salamat din sa full support ng mga kasamahan natin sa Abante TONITE na nakasama ko sa booth sa pangunguna ng ating mahal na editor na si Jerry Olea, si Sol Gorgonio at si Shalala.
Aside from the weekly round up, naging markado ang blind items lalo na ‘yung isang Swarsh Swarsh na singer-actor na kinumpronta ang isang singer-actor tungkol sa naging relasyon nila ng isang super sikat na singer-actor din.
Habang hindi pa pinapangalanan ang mga asawa ng dalawang Mrs. Reyes na sina Juday at Angelica, excited na kami dahil pawang mga award-winning actors ang kasama nila (na as per Sol Gorgonio, isang daks at isang juts) pero parehong J & J.
At ang singer-starlet na dahilan ng pagka-IRITA namin dahil winasak nito ang relasyon ng dalawang theater artists.
Good luck sa karma ng batang ito.
Isa pang in-effort-an sa LEVEL UP show ay ang NOELitanya portion na ang nilitanyahan ay ang katatapos na Cinemalaya Independent Film Festival:
CINEMALAYA — Gandahan pa sana.
MGA SHORT FILMS – Mas maganda pa sa full length na iba.
CCP SCREENINGS – Ok naman sana, pero may video na sinisinok, nililindol at may na-cancel pa.
ANG PAMILYANG HINDI LUMULUHA – Mas nakakatawa pa sana.
REQUITED – Hindi nakakatawa, nakakainip.
BAGAHE – Mabigat ang bagahe, ang bigat na parang luma.
SA GABING NANANAHIMIK ANG KULIGLIG – Mabuting manahimik na lang.
ANG GURO KONG DI MARUNONG MAGBASA – Nanahimik na lang sana ang direktor na ‘di marunong magdirek.
BACONAUA – Medyo nakakaawa. Parang pam-5 years ago na Cinemalaya.
KIKO BOKSINGERO – Simpleng nakakatuwa. Kakaiba ang charm ng bata.
RESPETO – Nakakuha ng respeto, nakakaaliw, bago, at ramdam mo ang husay ng lahat ng elemento.
NABUBULOK – Mulok, mulok, sabi ng Doctolero Susko. Kamura-mura sa kachakahan. Ulol ‘yan, ay napamura ako — Toooot na movie ‘yan, Ayst, napamura ulit ako. Yoko na, bye!
Sumagot si Neil Daza, award winning cinematographer, “Speaking of RESPECT, we promise to live up to your standards next time.”
OH I SEE.
Humirit pa rin si Suzette pero heto ang sagot ng premyadong manunulat at guro.
LUALHATI BAUTISTA: Sana, ‘yung mga writer na nagdaan sa akin, maski paano, maski konti ay naturuan ko rin ng kagandahang asal. Hindi ‘yung sumikat lang nang konti, yumabang na.”
AMEN!!!
Hanggang sa susunod nating LEVEL UP: SHOWBIZ SATURDATE!
Maligayang Linggo Ng Wika muna tayo!!!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.