Hindi nawawalan ng pag-asa si Vice President Leni Robredo sa kaso ni Mary Jane Veloso.

Ayon kay Robredo, patuloy itong umaapel­a sa administrasyon na huwag i-give-up si Velos­o dahil sa paniniwalang biktima lamang ito ng sindikato ng droga sa bansa para madala ang droga sa Indonesi­a noong 2012.

Noong nakaraang taon ay naipagpaliban ang pagbitay kay Veloso dahil sa kampanya ng pamahalaan lalo na noong madakip ang recruiter nito na ngayon ay nililitis na sa Nueva Ecija.

“If we were successful in keeping her out in the death roll last year baka naman may pag-asa pa rin ngayon. Pero ang pinapakiusap lang natin sana huwag mawawalan ng pag-asa ang pamahalaan na ipakipaglaban pa rin ang karapatan niyang mabuhay,” ani Robredo.

Hanggang ngayon ay hindi umano binibitawan ng maraming mamamayang Filipino si Veloso at nakikipaglaban na huwag mabitay ang nasabing kababayan lalo na’t wala aniyang death pe­nalty sa bansa.

3 Responses

  1. ROBREDO…MAS AYUSIN MO IYONG MGA PINAHIHIRAPAN NA MGA OFW SA MIDDLE EAST AT GINAGAHASA NA MGA KABABAYAN NATIN BABAE SA MIDDLE EAST AT MGA GINAWANG PUTA NA PILIPINA SA MALAYSIA..HINDI IYANG IISANG VELOSO NA DRUGA ANG DALA….PAPANSIN KA DIN..KUNG SINO IYONG PINAG UUSAPAN SA BALITA,SABIT KA DIN…

    1. hoy gago vp lang si robredo at hindi presidente kaya limitado ang kapangyarihan.ang kaya lang niyang gawin eh makiusap sa gobyerno.pero kung sya ang dfa secretary eh d saka ka mag=comment ng ganyan tanga…