NI: ARCHIE LIAO

Nag-celebrate ng kanyang ika-33 kaarawan ang Kapuso actor na si Rocco Nacino kamakailan.

Kahit naka-quarantine o lock down sa bahay,thankful pa rin siya dahil sa blessings na patuloy na natatanggap niya bilang actor at entrePinoy.

“Another year older! Still celebrating despite our community quarantine by spreading love and good vibes to everybody,” aniya.

Kahit tigil ang taping ng kanyang teleserye at sarado ang kanyang gym at clothing line business,maituturing na blessing in disguise pa rin daw ang homestay niya dahil nagkaroon siya ng panahon na maka-bonding ang kanyang pamilya at asikasuhin ang ibang bagay.

“With so much time on my hands, I get to do stuff I didn’t have time for before. Here I am with a very bad and noob rendition of Happy Birthday on my Saxophone, a gift from @gohingmelissa from way back!,”sey niya.

Tunay namang naging memorable sa kanya ang kanyang birthday dahil nag-enjoy siya sa paglalaro ng saxophone na regalo ng kanyang nobyang si Melissa Gohing.