NI: ARCHIE LIAO
Aminado si Rocco Nacino na nade-depress kapag naiisip kung saan siya dadalhin ng pandemyang nagaganap sa mundo.
Katunayan, hindi niya ikinaila na problemado siya dahil sa pansamantalang pagsasara ng kanyang negosyo dahil sa lockdown.
Si Rocco ay may-ari ng isang franchise ng Elorde Gym na matatagpuan sa Ortigas sa Pasig.
Aniya, nai-stress din daw siya lalo pa’t may mga empleyado rin siyang umaasa sa kanyang boxing gym business.
Paliwanag pa niya, hindi pa rin daw allowed mag-operate under general community quarantine ang klase ng kanyang negosyo, na pinakahuli sa puwedeng buksan under IATF guidelines.
Aniya, kahit artista, hindi raw siya naiiba sa ibang tao ngayon na nagkakaroon ng anxiety dahil sa nagaganap na recession sa bansa.
Pati nga raw, ang construction ng kanyang dream house sa Antipolo ay ipinatigil niya muna.
Wala pa ring katiyakan kung kailan sila magre-resume ng taping ng kanilang serye na ang karamihang sequences ay outdoor.
Pinag-uusapan na rin daw nila ng kanyang director at mga co-stars ang kanilang magiging diskarte pagdating sa pagsho-shoot ng crowd scenes.
Nagpapasalamat naman siya sa suporta ng kanyang nobyang si Melissa Gohing na laging nasa likod ng lahat ng kanyang mga desisyon.