Rocco sablay sa pagtugtog ng Money Heist OST

NI: ROLDAN CASTRO

Bagong libangan na talaga ni Rocco Nacino ang pagtugtog ng saxophone. Marami ang natuwa dahil tinugtog niya ang official soundtrack ng Money Heist na “Bella Ciao.”

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Rocco ang kanyang video .Pine-perform niya ang remix ng French DJ na si Hugel para sa “Bella Ciao”.

“Me after binge watching season 4 of Money Heist. Obviously had a blast watching! Naatat magsaxophone kaya puro sablay,” ani ni Rocco sa caption.

Bukod dito, pangangalaga sa kanyang pangangatawan ang isa pa sa pinagkakaabalahan ng aktor ng Descendants of the Sun.

Dahil hindi pa siya maaaring lumabas at mag-gym, sa kanyang parking lot sa condo nag-workout si Rocco. Pinaalalahanan niya rin ang mga netizen na huwag kalimutang maghugas ng kamay pagkatapos mag-exercise.